Sen. Pia Cayetano naalarma sa kaakit-akit na ‘vape products’
By Jan Escosio February 07, 2023 - 07:25 AM

Aniya bilang namumuno sa Committee on Sustainable Development Goals, Innovation and Futures Thinking, nais niya matiyak ang maayos na kalusugan at pamumuhay ng bawat Filipino. Pagbabahagi niya, may 2.7 milyong Filipino ang gumagamit na ng e-cigarette at vaping devices, na base sa ulat ay may nakakasama kaysa sa paninigarilyo. Dagdag pa ni Cayetano, noong 2020, nakapagtala ng 2,807 kaso ng pagkakasakit sa baga at 68 ang namatay diumano dahil sa paggamit ng mga naturang produkto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.