Google, idinaan sa jeepney doodle ang pakikiisa sa Independence Day ng Pilipinas. Pero Facebook nagpost nga ba war flag?

By Isa Avendaño-Umali June 12, 2016 - 11:10 AM

Google IndeNakiisa ang Facebook, Google, ang iba’t ibang bansa, at Filipino netizens sa pagdiriwang ng Pilipinas ng 118th Independence Day ngayong June 12, 2016.

Sa Facebook, na-post ang pagwagayway sa bandila ng Pilipinas, at pagbating “Happy Independence Day! Here’s to all of the Philippines’ health, happiness and prosperity.”FB

Gayunman, maraming netizens ang nagkataka dahil sa halip na asul, kulay pula ang nasa itaas na bahagi ng bandila, o tinatawag na war flag.

Makikita naman sa search engine page ng Google ang pambansang sasakyan ng Pilipinas, ang jeepney, na may watawat pa ng bansa.

Sa kanyang Twitter account naman, binati ni United States of America Ambassador to the Philippines Philip Goldberg ang mga Pilipino ng “Happy 118th Independence Day.”

 

TAGS: 118th Independence Day, facebook, google, 118th Independence Day, facebook, google

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.