Sen. Bong Go umaasa sa patas na pagrebisa sa PNP ‘courtesy resignations’

OSBG PHOTO

Umaasa si Senator Christopher  Go na magiging tunay na mapanuri at patas ang bubuo sa five-man advisory committee sa pagrebisa sa ‘courtesy resignation’ ng third-level officers ng pambansang pulisya.

“Ibig sabihin, kung walang kasalanan, nagtatrabaho naman po, suportahan natin at tulungan natin ang ating kapulisan at ihiwalay ang talagang may kasalanan at involved po sa katiwalian,” ani Go.

Kasama sa komite sina  Office of the Presidential Adviser on Military Affairs Undersecretary for Police Affairs Isagani Nerez,  dating Defense Sec. Gilbert Teodoro,  Baguio Mayor Benjamin Magalong, and PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr.

Magugunita na umapila si Interior Sec. Benhur Abalos sa lahat ng heneral at colonel sa PNP na magsumite ng kanilang ‘courtesy resignation’  bilang radikal na paraan ng paglilinis sa pambansang pulisya.

Target sa hakbang na maalis ang mga opisyal na sangkot sa droga.

Samantala, nabatid na isinasapinal pa ang mga gagawing pamantayan sa pagrebisa sa mga nagsumite ng courtesy resignation.

Read more...