Plunder, graft at malversation ikinasa kay Bantag
Hindi pa natatapos ang pagsasampa ng mga reklamo laban kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.
Naghain si BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang ng reklamong plunder, graft at malversation laban kay Bantag at kina Correction Inspector (CINSP) Ric Rocacurba, Correction Technical Superintendent Arnold Guzman, CINSP Solomon Areniego, Correction Technical Officer (CTO) Jor-el De Jesus, CTO Angelo Castillo, and CTO Alexis Catindig.
Ang mga kaso ay kaugnay sa pagpapalsipika at kunwaring bidding para sa pagagamit ng ₱273,046,177.33 in BuCor pondo ng kawanihan noong Setyembre 2020.
Kaugnay ito sa mga kontrata para sa pagsasaayos sa mga pasilidad ng kawanihan sa Davao, Leyte at Palawan.
Diumano nagkaroon ng ‘hocus-pocus’ sa bidding at pagbibigay ng kontrata sa dalawang joint ventures.
Sinabi ni Catapang na hindi kuwalipikado ang CB Garay Philwide Builders–Rakki Corporation, CB Garay Philwide Builders–Eric Van P. Sesbreño Construction joint ventures dahil hindi nila napatuayan na may nagawa na silang proyekto na nagkakahalaga ng kahit P150 milyon sa nakalipas na apat na taon.
Ayon pa kay BuCor Legal Counsel ang pagbuo ng Bids and Awards Committee ay paglabag din sa Government Procurement Act dahil ang namuno at isang miyembro ay kapwa mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at hindi maituturing na regular na kawani ng kawanihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.