Naalarma na si Senator Sherwin Gatchalian sa dumadaming kaso ng bullying sa mga eskuwelahan kayat nais nitong malaman ang ginagawang pagpapatupad ng RA 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013.
Sinabi ni Gatchalian na kailangan ng komprehensibong pagsusuri sa batas upang malaman kung kailangan pa na amyendahan ang ilang probisyon.
Nais makasiguro ng namumuno sa Senate Committee on Basic Education na nasusunod ang mga probisyon sa pagpapatupad nito.
“Kailangang masugpo natin ang bullying sa ating mga paaralan, lalo na’t nagdudulot ito ng pinsala sa kanilang pag-aaral at mental health,” aniya.
Naghain ng resolusyon si Gatchalian para makapagsagawa ng pagdining sa Senado ukol sa pagkasa ng batas.
MOST READ
LATEST STORIES