Mental Health Office isinusulong ni Sen. Jinggoy Estrada sa SUCs
Dahil sa paglobo ng bilang ng kaso ng mga kabataan na may isyu sa pag-iisip, hiniling ni Senator Jinggoy Estrada ang pagkakaroon ng mental health offices (MHOs) sa lahat ng state colleges and universities (SUCs) sa bansa.
“There have been a lot of studies that have come out on the worsening mental shape of our youth today. Hindi dapat natin itong ipagwalang bahala. Dapat aksyunan ito at solusyunan. Mahalagang pagtuunan ito ng pansin nang hindi na madagdagan pa ang ating mga mag-aaral na depressed,” diin ng senador
Binanggit niya ang ulat ng World Health Organization (WHO) ukol sa radolescent mental health at lumabas na ang pangapat na dahilan ng pagkamatay ng mga nasa edad 15 hanggang 29 ay suicide.
Base pa rin sa naturang ulat, ang kabiguan na maharap ang kondisyon ng pag-iisip sa mga kabataan ay naglilimita sa kanilang mga pagkakataon na maging maayos ang pamumuhay.
“Therefore, there is a need to establish MHOs in all our SUCs and to ensure easy access to mental health care for the well-being not only of our vulnerable youth population but the faculty, teaching and non-teaching staff and personnel in the campuses of our SUCs all throughout the country,”paliwanag ni Estrada sa paghahain niya ng Senate Bill 1508.
Sa kanyang panukala, dapat ay mah MHOs sa lahat ng SUCs, may hotlines na ang mga sasagot ay guidance counselors na kakausap hindi lamang sa mga estudyante, kundi maging sa mga teaching at non-teaching staff.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.