Pagbuo sa Water Resource Management Office ni PBBM Jr., pinuri ng Quezon solon

By Jan Escosio February 06, 2023 - 02:48 PM
Tunay na kapuri-puri, ayon kay Quezon Province Representative David ‘Jayjay’ Suarez ang pagbuo ni Pangulong Marcos Jr., ng Water resource Management Office (WRMO) bilang tugon sa mga apila ng mga nasa sektor ng agrikultura. Tamang hakbang ito sabi pa ni Suarez para mapagbuti ang pamamahala ng water resources sa bansa para matiyak ang suplay. “I laud President Marcos for heeding the numerous calls for better management of a very important natural resource in our country, which is water. It is commendable that our President is now using our natural resources for the needed gains of our farmers and people,” ani Suarez. Inihain ng mambabatas ang  House Bill No. 5941  na layon magkaroon ng kompfrehensibong programa para sa maayos at matipid na paggamit ng mga sistemang pang-tubig para matugunan anh paulit-ulit na problema sa kakulangan ng patubig sa mga tauiman. “Sa pagtatalaga ng isang Water Resources Management Office, higit na madali na nating mabubuo ang aking ipinapanukalang National Water Use Plan na naglalayong mabigyan ng maayos na access sa at supply ng tubig ang ating mga magsasaka. Nakasisiguro ako na itong combo package na ito ay magpapatatag sa adhikain ng Marcos administration na ayusin ang  food security sa ating bansa,” dagdag pa ni Suarez. Pinaniniwalaan na ang isinusulong ni Suarez ay makakatulong sa nais ng Punong Ehekutibo na makabuo ng  National Farm-to-Market Road (FMR) masterplan para sa  food security at pagpapalakas sa mga kanayunan. “Sa pagtutulungan ng Kongreso at ng administrasyon ni Pangulong Marcos, nakasisiguro po ang mga  magsasaka sa ating bansa na sila ay magkakaroon ng maayos na suplay ng tubig para sa kanilang mga pananim. Sama-sama nating sisiguruhin na magiging maayos ang food supply sa ating bansa,” sabi pa ni Suarez.

TAGS: irigasyon, resources, suarez, water, irigasyon, resources, suarez, water

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.