Pinsala sa mga imprastraktura ng magnitude 6.0 earthquake umakyat sa P21M

By Jan Escosio February 06, 2023 - 02:36 PM

DAVAIO DE ORO PIO PHOTO

Higit P21 milyon na ang halaga sa pinsala sa mga imprastraktura ang idinulot ng magnitude 6.0 eartquake  na yumanig sa Davao de Oro noong nakaraang Pebrero 1.

Ito ang iniulat ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa bulletin na ibinahagi ng Office of Civil Defene, may 543 bahay at 203 iba pang istraktura ang napinsala at ang kabuuang halaga ay P21.463 milyon.

Hindi naman naapektuhan ang mga linya ng komunuikasyon at suplay ng tubig, samantalang agad naman naibalik ang suplay ng kuryente matapos ang lindol na naitala sa bayan ng New Bataan.

Walang napaulat na nasawi o nawawala, bagamat may 16 ang nasugatan at nasaktan.

May 83 pamilya ang naapektuhan at nasa P360,000 halaga ng tulong ang naipamahagi.

TAGS: NDRRMC, ocd, quake, NDRRMC, ocd, quake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.