Matapos ang magkakasunod na linggo nang pagtaas, magpapatupad ang mga kompaniya ng langis ng bawas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo simula bukas, araw ng Martes.
Sa pagtataya, P2.60 hanggang P2.80 ang mababawas sa presyo ng kada litro ng diesel, samantalang maaring umabot ng hanggang P2 ang ibaba sa gasolina.
Magugunita na sa nakalipas na linggo, nagtaas ang mga kompaniya ng P1 sa diesel, P1.30 sa gasolina, samantalang P1.35 naman sa kerosene.
Ang pagtataya sa pagbaba ng mga presyo ay base sa naging paggalaw sa presyo sa pandaigdigang merkado noong Enero 30 hanggang Pebrero 2.
Ngayon 2023, umangat na ng P7.20 ang kada litro ng gasolina, P3.05 sa diesel at P4.45 naman sa kerosene.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.