Road reblocking, ikakasa ng MMDA

(File photo)

Magsasagawa ng weekend road reblocking ang Metro Manila Development Auhority sa ilang kalsada sa Metro Manila.

Magsisimula ang road reblocking mamayang 11:00 ng gabi, Pebrero 3 hanggang 5:00 ng umaga ng Pebrero 6.

Kabilang sa mga maapektuhan ang kahabaan ng Lanuza Avenue corner C-5 Road sa Barangay Ugong, harap ng Casa Verde Townhouse Gate sa Pasig City.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta sa Meralco Avenue, C-5 at Lanuza Avenue Street, Martin Street, Captain Javier Street.

Apektado rin ang Cloverleaf (Chainage 000-Chainage 234) hanggang sa patungong North Luzon Expressway.

 

Read more...