Lalaki patay matapos barilin sa QC

By Chona Yu February 03, 2023 - 04:06 PM

 

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Barangay Payatas, Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Alvin Alejo.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District, base sa kuha ng CCTV,  nakatayo ang biktima sa tabi ng kanyang motorsiklo nang dumating ang dalawang lalaki na sakay ng otorsiklo.

Agad na kinuha ng isang lalaki ang nakasukbit na baril at pinaputukan ang biktima ng dalawang beses.

Tinangka pa ni Alejo na tumakas pero binawian din ng buhay.

Agad namang nagsitakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis kaugnay sa nasabing insidente.

 

TAGS: binaril, lalaki, news, patay, quezon city, Radyo Inquirer, binaril, lalaki, news, patay, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.