Apat na bagong EDCA sites pinatutukoy ni Recto

Photo credit: Rep. Ralph Recto/Facebook

 

Pinaalahanan ni House Deputy Speaker Ralph Recto ang gobyerno na kinakailangan na ipaalam at maipaliwanag ng administrasyong-Marcos Jr., ang karagdagang apat na lugar na sasakupin na rin ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at US.

Nararapat lamang aniya na maging ‘transparent’ ang gobyerno bagamat batid ng lahat na ito ay may kaugnayan sa pambansang seguridad.

Idinagdag pa ni Recto na umaasa siya na natimbang ng husto ng mga opisyal ng Defense Department ang mga maaring maging epekto ng kasunduan.

“Ilang military bases pa ba ang sasaklawin sa darating na panahon?  Are we being built up as their armed garrison in the Pacific as a tripwire to Chinese expansionism?” tanong ng mambabatas.

Dapat din, dagdag pa ni Recto, na ipaalam ang dahilan ng pagdaragdag ng apat pang base-militar sa bansa na sakop ng EDCA.

Read more...