Pandemic recovery pinatitiyak ni Sen. Bong Go kahit walang state of calamity

By Jan Escosio February 03, 2023 - 03:21 PM

 

Nais matiyak ni Senator Christopher Go na kahit hindi na palawigin ni Pangulong Marcos Jr., ang state of calamity dahil sa pandemya ay magtutuloy-tuloy ang pagbangon ng bansa.

Kasabay nito, pinatitiyak din ni Go sa Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management (DBM) na patuloy na maibibigay ang allowances ng healthcare workers.

Ito naman aniya ay kapalit ng mga sakripisyo ng mga medical frontliners sa gitna nang nagpapatuloy na pandemya.

Dagdag pa ng senador dapat na patuloy ang pagpapalakas sa vaccine rollout  sa vulnerable sectors ng lipunan at sa malalayong lugar ng bansa.

Pagdidiin pa nito na bilang namumuno sa Senate Committee on Health, patuloy niyang susuportahan ang mga hakbang para magtuloy-tuloy ang mga programa at hakbangin na tumutugon sa mga hamon dulot ng pandemya.

TAGS: bong go, news, pandemic, Radyo Inquirer, bong go, news, pandemic, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.