Hiniritan ni Manila Police Disrict director, Brigadier General Andre Dizon ang lahat ng mga opisyal ng barangay ng Maynila na magpa-drug test.
Ang hamon ni Dizon ay kaugnay sa idadaos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa darating na Oktubre.
Katuwiran ng opisyal, ito ay para mawala na ang mga pagdududa na may mga namumuno sa mga barangay na sangkot sa droga.
Mapapatunayan din aniya sa drug test na wala sa mga barangay officials ang gumagmit ng ipinagbabawal na gamot.
Dagdag pa nito, makakatulong din ito aniya sa kampaniya laban sa droga.
Paglilinaw na lamang ni Dizon sa Tinapayan News Forum na boluntaryo lamang ang pagpapa- drug test at bahala na dito ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa Manila Barangay Bureau.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.