DOH specialty hospitals binuhusan ng pondo sa 2023 budget – Angara

By Jan Escosio February 03, 2023 - 12:10 PM
Mas maraming pasyente ang mapapagsilbihan sa mga Department of Health specialty hospitals dahil nabigyan ang mga ito ng mas malaking pondo ngayon taon. Sinabi ito ni Sen. Sonny Angara dahil aniya bilang namumuno sa Senate Committee on Finance, tiniyak niya na todo-suporta ang makukuha ng mga ospital sa 2023 General Appropriations Act. Aniya halos P7 bilyon ang inilaan sa Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center at Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care. Ito ay mas mataas ng P1.1 bilyon kumpara noong 2022. “Taon-taon ay nagbibigay tayo ng dagdag na pondo sa ating mga specialty hospitals. Marami sa ating mga kababayan na may malubhang karamdaman ay hindi nagagawang magpagamot dahil sa kahirapan. Sila ang pangunahing nakikinabang sa serbisyong hatid ng mga pagamutang ito kaya siniguro natin na may dagdag na pondo para sa kanila kada taon,” ayon sa senador. Para naman aniya sa pagpapagamot ng mga pasyente naglaan sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ng P100.2 billion para sa pagkasa ng Universal Health Care Law. Pagbabahagi pa ni Angara, isinusulong niya ang pagkakaroon ng satellite specialty hospitals sa ibat ibang bahagi ng bansa para hindi na lumuwas pa mg Metro Manila ang mga pasyente.

TAGS: Angara, doh, hospital, news, Radyo Inquirer, Angara, doh, hospital, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.