Nag-ugat ang kaso matapos maglabas ng maling credit report ang Metrobank laban sa Glovax kung saan pumalya umano ito sa pagbayad ng loan na pinabulaanan naman ng huli.
Dahil sa insidente, hindi na makapag-loan ang Glovax Biotech sa lahat ng bangko.
Milyun-milyon ang nawala sa Glovax at dapat umano itong ayusin ito ng Metrobank.
Nagpadala naman ng mistulang sorry letter ang Metrobank, ngunit wala pa rin itong aksyon para maayos ang account ng Glovax.
Ilang beses na din nagkaroon ng pagdinig kaugnay sa nasabing insidente pero hindi ito sinipot ng presidente at bise presidente ng nasabing bangko.
Huling ginanap ang paglilitis noon pang Mayo a-trese.
Ayon sa piskal, maaaring maipakulong ang mga opisyales dahil sa pag labag sa Banking Act Law of 2000 dahil sa “massive actual and moral damages” na idinulot ng bangko sa kumpanya.