Mga opisyal ng Metrobank, pinakakasuhan

By Gina Salcedo June 12, 2016 - 09:16 AM

 
MetrobankKasunod ng pagkakasangkot ng isang branch ng RCBC sa Bangladesh heist, nagsampa kamakailan ng kasong kriminal si Giovanni Alingog ng Glovax Biotech kasama si Atty. Romulo Macalintal sa Makati City fiscal’s office laban sa presidente at bise presidente ng Metropolitan Bank and Trust Co o Metrobank na sina Fabian Dee at Ramir Leung.

Nag-ugat ang kaso matapos maglabas ng maling credit report ang Metrobank laban sa Glovax kung saan pumalya umano ito sa pagbayad ng loan na pinabulaanan naman ng huli.

Dahil sa insidente, hindi na makapag-loan ang Glovax Biotech sa lahat ng bangko.

Milyun-milyon ang nawala sa Glovax at dapat umano itong ayusin ito ng Metrobank.

Nagpadala naman ng mistulang sorry letter ang Metrobank, ngunit wala pa rin itong aksyon para maayos ang account ng Glovax.

Ilang beses na din nagkaroon ng pagdinig kaugnay sa nasabing insidente pero hindi ito sinipot ng presidente at bise presidente ng nasabing bangko.

Huling ginanap ang paglilitis noon pang Mayo a-trese.

Ayon sa piskal, maaaring maipakulong ang mga opisyales dahil sa pag labag sa Banking Act Law of 2000 dahil sa “massive actual and moral damages” na idinulot ng bangko sa kumpanya.

 

TAGS: Glovax Biotech, Metrobank, Glovax Biotech, Metrobank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.