China nakabog sa pagbisita sa Pilipinas ni US Defense Secretary Austin

By Jan Escosio February 03, 2023 - 08:13 AM

 

Hindi nagustuhan ng China ang pagbisita sa bansa ni US Defense Secretary Lloyd Austin.

Sa pahayag na inilabas ng Chinese Embassy dahil sa pagbisita ni Austin nadagdagan lamang ang tensyon at mabulabog din ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Inakusahan pa ng China ang US ng patu;loy na pagporma ng kanilang militar sa Indo-Pacific Region dahil sa pansariling interes.

Siniraan din aniya sila ni Austin para isulong ang anti-China agenda.

“Such moves contradict the common aspiration of regional countries to seek peace, cooperation and development, and run counter to the common aspiration of the Filipino people to pursue sound economic recovery and a better life in cooperation with China,” ayon pa sa embahada.

Nakipagkita pa si Austin kay Pangulong Marcos Jr. sa Malakanyang at bago ito napalawig pa ang presensiya ng US military sa bansa nang sakupin na rin ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ang apat pang lugar sa Pilipinas.

TAGS: China, Defense Secretary, news, Radyo Inquirer, US, China, Defense Secretary, news, Radyo Inquirer, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.