P10.36M halaga ng ketamine isinilid sa fitness equipment, Chinese nahuli

By Jan Escosio February 02, 2023 - 09:00 PM

BOC PHOTO
Naaresto sa Pasig City ng mga ahente ng  Bureau of Customs – Port of Clark ang lalaki na kumuha ng shipment na naglalaman ng may P10.36 milyong halaga ng Ketamine. Nabatid na ang mga droga ay isinilid sa package kasama ang fitness expander, massage twister, trimmer, push-up bar at yoga block. Dumating sa bansa ang pakete mula sa  Putrajaya, Malaysia noong Enero 30. Base sa impormasyon mula sa National Bureau of Investigation (NBI),  isinailalim sa  x-ray scanning ang pakete at napansin ang mga kahinahinalang bagay. Nang kumpirmahin ng PDEA na ketamine ang laman ng mga naturang fitnest equipment, ikinasa ang isang controlled delivery operation sa Pasig City at naaresto ang isang Chinese citizen.

TAGS: chinese, Clark, ketamine, PDEA, chinese, Clark, ketamine, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.