Utang ng bansa lumubo sa P13.42 trilyon

Umakyat noong nakaraang taon sa P13.42 trillion ang utang ng Pilipinas, ayon sa Bureau of Treasury (BTr).

Bunga ito ng mga karagdagang pag-utang sa loob at labas ng bansa.

Mas mataas ng 14.4 porsiyento ang utang kumpara sa naitala na P13.72 trilyon noong 2021.

Ang domestic debt ng bansa ay umangat ng 12.7 porsiyento o P1.04 trilyon, samantalang P652.34 bilyon naman ang inutang sa labas ng bansa.

Sinabi ng BTr nakatulong pa ang bahagyang paglakas ng piso kontra dolyar sa huling bahagi ng taon.

Bumuti naman ang debt-to-gross domestic product (GDP) sa 60.9 porsiyento mula sa 63.7 porsiyento sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre.

Kamakailan, inanunsiyo ang 7.6 porsiyentong economic growth, na pinakamataas simula noong 1976.

 

 

 

Read more...