‘Strong support’ ibinigay ng partylist solon kay VP Sara sa plano sa sektor ng edukasyon

By Jan Escosio February 02, 2023 - 03:56 PM

Nagpahayag ng suporta si House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera sa mga plano ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na reporma sa sistemang pang-edukasyon sa bansa.

“I personally laud and support the Vice President for her commitment to improve the quality of basic education in the country in her capacity as the Secretary of the Department of Education,” ani Herrera, ng Bagong Henerasyon Partylist.

Sinabi pa nito na kumpiyansa siya sa kakayahan ni Duterte na ipatupad ang kanyang mga plano sa basic education sector.

Inihayag ni Herera ang kanyang suporta nang ilunsad ni Duterte ang MATATAG agenda, na magsisilbing roadmap ng DepEd sa pagtugon sa mga hamon na bumabalot sa sektor ng edukasyon.

“Malaki po ang tiwala natin kay VP Sara at nakahanda po tayong suportahan anumang batas o polisiya na sa tingin natin ay makapagpapabuti ng kalagayan ng sistema ng edukasyon sa bansa,” dagdag pa ng mambabatas.

Tiwala din ito na sa istratehiya ni Duterte ay tiyak na matutulungan ang sektor para patuloy na makabangon sa mga epekto ng pandemya at maresolba ang mga problema.

“We have seen the tremendous work VP Sara has done to help schools reopen for in-person learning and allow our children to safely return to school,” pagpupunto ni Herrera.

Dagdag pa niya: “I believe this is just a preview of how she will lead the DepEd in the next six years. With her strong leadership and firm political will, people can expect VP Sara to undertake some bold reforms that will help improve and transform our country’s basic education system.”

TAGS: basic education, deped, partylist, Sara Duterte, basic education, deped, partylist, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.