Dating katunggali ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, itinanghal bilang 2016 Miss PH-Earth
Isang beterano na sa mga beauty contest ang kinoronahan bilang 2016 Miss Philippines-Earth.
Sa coronation night na ginanap sa Uinversity of the Philippines o U.P. Theater sa Quezon City kagabi (June 11), tinalo ni Miss Palawan Imelda Bautista Schweighart ang apatnapu’t limang aspirante mula sa iba’t ibang panig ng bansa at overseas Filipino community.
Si Schweighart ay nakatunggali ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach sa 2013 Binibining Pilipinas.
Samantala, ang iba pang nanalo sa Miss Philippines-Earth ay si Kiara Giel Gregorio, na pambato ng Filipino community sa London, ang naiproklama bilang Miss Philippines-Air; habang si Loren Artejos, na mula sa Laoag, ang Miss Philippines-Water.
Pasok din si Shannon Rebecca Bridgman, na taga-Rosales, Pangasinan, bilang Miss Philippines-Fire; at Melanie Mader, na mula naman sa Filipino community sa Vienna, ang itinanghal bilang Miss Philippines-Ecotourism.
Sa loob ng tatlong taon, napanatili ng Pilipinas ang korona sa Miss Earth pageant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.