US Defense Sec. Austin nakipagkita kay Pangulong Marcos Jr. sa Malakanyang
By: Chona Yu
- 2 years ago
Nag-courtesy call kay Pangulong Marcos Jr. si US Secretary of Defense Lloyd James Austin ngayong umaga sa Malakanyang.
Una rito ay nakipagpulong muna si Austin kina National Security Adviser Secretary Eduardo Año at Department of Foreign Affairs Sec.Enrique Manalo sa Aguado Mansion.
Usaping may kinalaman sa pang depensa at pambansang seguridad ng bansa ang inasahang naging paksa ng mga opisyal.
Kabilang sa pakay ni Austin sa pagbisita sa Pilipinas ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
May mga panukala rin na payagan sanang muling gumamit ng pasilidad ng bansa ang mga tropang Amerikano subalit wala pang opisyal na tugon dito ang Pangulo.