US Defense Sec. Austin nakipagkita kay Pangulong Marcos Jr. sa Malakanyang

By Chona Yu February 02, 2023 - 11:18 AM
Nag-courtesy call kay Pangulong  Marcos Jr. si US Secretary of Defense Lloyd James Austin ngayong umaga sa Malakanyang. Una rito  ay nakipagpulong muna si Austin kina  National Security Adviser Secretary  Eduardo Año at Department of Foreign Affairs Sec.Enrique Manalo sa Aguado Mansion. Usaping may kinalaman sa pang depensa at pambansang seguridad ng bansa ang inasahang naging  paksa ng mga opisyal. Kabilang sa pakay ni Austin sa pagbisita sa Pilipinas ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). May mga panukala rin na payagan sanang muling gumamit ng pasilidad ng bansa ang mga tropang Amerikano subalit wala pang opisyal na  tugon dito ang Pangulo.

TAGS: EDCA, national security, US defense, EDCA, national security, US defense

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.