Mga pasyente ng Davao de Oro Provincial Hospital inilikas dahil sa lindol
Kasabay nang pagsasagawa ng Structural Intensity Assessment kasunod ng magnitude 6.0 earthquake kagabi, pansamantalang inilikas ang 154 pasyente ng Davao de Oro Provincial Hospital Montevista sa bayan ng New Bataan.
Nabatid na 90 pasyente ang kinailangan na ilipat pansamantala sa Sport Complex, samantalang ang 67 naman ay inilipat sa ligtas na bahagi ng ospital.
Binisita na ni Governor Dorothy Montejo-Gonzaga ang ospital para personal na siyasatin ang mga pinsala sa istraktura.
Kasabay nito ang pagsupindi sa mga klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong ospital sa lalawigan.
Sinuspindi din ngayon araw ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.
Nakipagpulong na rin ang Provincial Risk Reducation and Management Office sa Bureau of Fire Protection at Philippine Red Cross para sa mga hakbang na gagawin kaugnay sa naganap na lindol.
May mga napaulat din na nasaktan sa lindol na naganap ala-6:44 kagabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.