Nagpahayag ng kanilang labis na pagkabahala sina Senators Risa Hontiveros at Grace Poe sa paglobo ng bilang ng mga kaso ng pagpapakamatay ng mga kabataan.
Sinabi ni Hontiveros na bilang awtor ng Mental Health Law na nagpapatuloy pa rin ang mental health crisis at ito ay dapat pagtuunan ng seryosong pansin.
Nanawagan siya sa Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) na istriktong ipatupad ang mga probisyon ng batas.
Matagal na aniya na ipinapanawagan na maisama ang mental health and care services sa mga itinuturo sa mga paaralan.
Ayon naman kay Poe, kailangan na mag-focus din ang mga paaralan sa mental health ng mga estudyante.
“Educational institutions should develop and strengthen their own programs on providing regular counseling to students and teaching and non-teaching personnel,” sabi pa ni Poe.
Nagtitiwala siya na gagawa ng mga konkretong hakbang ang DepEd para matugunan ang isyu.