Ejercito: 50% Philhealth contribution ng OFWs dapat sagot ng gobyerno
Sinabi ni Senator JV Ejercito na dapat ay i-subsidiya na lamang ng gobyerno ang kalahati sa kontribusyon sa Philhealth ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Naniniwala ang senador na malaking tulong na ito sa OFWs.
“That’s the compromise that I see. Let’s study if that’s possible,” ani Ejercito sa pagdinig ng Senate Committee on Health ukol sa pagpapatupad sa RA 11223 o ang Universal Health Care (UHC) Act.
Nabatid na tanging ang pamilya ng OFW lamang ang nakikinabang sa kontribusyon.
Sinabi ni PhilHealth acting president Emmanuel Ledesma Jr., sakaling maospital sa ibang bansa ang OFW, pag-uwi nito sa bansa ay maari din naman siyang makakuha ng ‘reimbursement’ ng kanyang ginastos.
Naghain ng panukala si Ejercito para maamyendahan ang nabanggit na batas para mas makatugon ito sa kasalukuyang pangangailangan ng mga Filipino.
Sa kanyang panukala, sinabi nito na dapat ay alisin na ang probisyon na nagpapataw ng multa sa self-earning, professional practitioners at OFWs kapag nakaligtaas na magbayad ng kanilang kontribusyon sa Philhealth.
“The reason why we propose the amendments is because we only realized the flaws and the necessary adjustments that are needed once it was implemented. There is no perfect law. UHC is a work in progress,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.