Bumaba ang bilang ng mga bata at kabataang babae na nabuntis noong nakaraang taon, ayon sa Commission on Population and Development (PopCom).
Paliwanag ni PopCom Executive Dir. Lolito Tacardon na dalawa ang pinagmulan ng kanilang impormasyon.
Base sa survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2017, naitala ang 8.5 porsiyentong kaso ng teenage pregnancy, samantalang noong nakaraang bumaba sa 5.4 porsiyento ang bilang ng mga nabuntis na nasa edad 15 hanggang 19.
Samantalang, sa resulta naman ng 2022 Young Adult Fertility and Sexuality survey ng University of the Philippines – Population Institute, mula sa halos 13 porsiyento halos nangalahati na ito sa 6.7 porsiyento noong nakaraang taon.
Pagbabahagi ni Tacardon na naniniwala sila na malaking dahilan ng pagbubuntis ng mga kabataan ang COVID 19 pandemic.