Bilang ng mga nabuntis na kabataan bumaba noong 2022 – PopCom

By Jan Escosio February 01, 2023 - 09:26 PM

PDI FILE PHOTO

Bumaba ang bilang ng mga bata at kabataang babae na nabuntis noong nakaraang taon, ayon sa Commission on Population and Development (PopCom).

Paliwanag ni PopCom Executive Dir. Lolito Tacardon na dalawa ang pinagmulan ng kanilang impormasyon.

Base sa survey ng  Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2017, naitala ang 8.5 porsiyentong kaso ng teenage pregnancy, samantalang noong nakaraang bumaba sa 5.4 porsiyento ang bilang ng mga nabuntis na nasa edad 15 hanggang 19.

Samantalang, sa resulta naman ng 2022 Young Adult Fertility and Sexuality survey ng University of the Philippines – Population Institute,  mula sa halos 13 porsiyento halos nangalahati na ito sa 6.7 porsiyento noong nakaraang taon.

Pagbabahagi ni Tacardon na naniniwala sila na malaking dahilan ng pagbubuntis ng mga kabataan ang COVID 19 pandemic.

TAGS: PopCom, psa, teenage pregnancy, up, PopCom, psa, teenage pregnancy, up

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.