Davao de Oro niyanig ng magnitude 6.0 earthquake
Niyanig ng magnitude 6.0 earthquake ang New Bataan sa Davao de Oro ngayon gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang tectonic earthquake ay naitala ala-6:44, 12 kilometro hilaga ng New Bataan.
Nabatid na naunang nasukat na magnitude 6.1 ang lindol ngunit binago ito ng Philvocs, na sinabing may lalim itong 11 hanggang 27 kilometro.
Naramdaman ito na Intensity V sa New Bataan, Davao de Oro at Intensity IV -sa mga lungsod ng Davao, Bislig sa Surigao del Sur.
Samantalang, Intensity III naman Damulog, Kadingilan, Kalilangan, Libona, Pangantucan, at Talakag, Bukidnon; Cagayan De Oro City ; Cagwait, at Hinatuan, Surigao del Sur.
At Intensity II sa President Roxas, Capiz; San Francisco, Southern Leyte; El Salvador City sa Villanueva, Misamis Oriental; Aleosan, Antipas, Arakan, Carmen, Kabacan, Kidapawan City, Libungan, M’lang, Magpet, Makilala, Matalam, Pikit, at Tulunan, pawang sa Cotabato, Koronadal City sa South Cotabato, Kalamansig, Sultan Kudarat ar Cotabato City.
At Intensity I naman sa Esperanza, at Tacurong City, Sultan Kudarat.
Sinabi ng Phivcolcs na asahan na nagdulot ng pinsala ang lindol at susundan ito ng aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.