‘Overpriced’ cameras ng DepEd iimbestigahan

PDI FILE PHOTO

Iimbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang napa-ulat na ‘overpriced’ cameras na kanilang gamit.

Ito ang ginawang pagtitiyak ni DepEd spokesperson Michael Poa matapos ang social media post ng aktibiastang si Renato Reyes.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Reyes ang Facebook post ng isang photographer na larawan ng isang Canon DSLR camera na binili ng DepEd.

Sa larawan makikita ang tag price na P155,929

Ngunit nabatid na ang katulad na camera ay maaring mabili ng P23,000.

Sinabi ni Poa na inalam na niya ang camera sa larawan at ito aniya ay ‘entry level’ lamang at ang gamit nila sa kagawaran ay Mark 4, nasa kanyang palagay ay  iba sa naipakita sa larawan.

Kamakailan lamang ay inilabas ni Sen. Francis Tolentino ang ulat ng  pinamumunuan niyang Senate Blue Ribbon Committee ukol sa P2.4 bilyong halaga ng laptops na binili ni DepEd noong 2021.

Lumabas na ‘overpriced and outdated’ na ang laptops kayat inirekomenda ng komite ang pagsasampa ng mga kaso sa mga dating opisyal ng DepEd, gayundin ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM)

 

 

Read more...