Mga eroplano bawal munang dumaan sa ibabaw ng Bulkan Bulusan

By Jong Manlapaz June 11, 2016 - 10:22 PM

bulusan-phivolcs-620x465Pinahaba pa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagpapatupad ng Notice to Airmen (NoTam) sa Bulkang Bulusan na unang ipinatupad kahapon.

Ibig sabihin nito, mahigpit na pinagbabawalan ng CAAP ang mga Piloto na lumipad sa ruta patungong Bulusan Volcano sa Sorsogon. Dahil sa peligrong dala ng ibinubugang abo ng bulkan

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, ang nasabing kautusan sa mga Piloto ay mananatila hanggang bukas ng ika-1 ng hapon at posibleng pang palawigin ito depende sa magiging aktibidad ng Bulkan Bulusan.

Kahapon inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nagkaroon ng abnormal na kondisyon ang Bulkan Bulusan, na nagdulot ng pagbuga ng usok at abo na tinatayang may taas na 2.0 kilometer.

TAGS: Bulkan Bulusan, Bulkan Bulusan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.