Patay sa epekto ng LPA at amihan patuloy ang paglobo

PHILIPPINE COAST GUARD PHOTO

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa low pressure area, amihan at shear line.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Counci (NDRRN+MC)l, nasa 44 na ang bilang ng mga nasawi.

Sa naturang bilang, isa ang nasawi sa Mimaropa, 14 sa Region 5, pito sa Region 8, 12 sa Region 9, 8 sa Region 10, isa sa Region 11, at isa sa Region 12.

Nasa 11 katao naman ang naiulat na nasugatan at walo pa ang nawawala.

Umabot na  sa P1.059 bilyong halaga naman ang pinsala sa sektor ng agrikultura, samantalang  P521 milyong sa imprastraktura.

Read more...