Bato  itinanggi na kasama sa bubusisi ng courtesy resignations ng PNP officials

By Jan Escosio February 01, 2023 - 09:50 AM

SENATE PRIB PHOTO

Pinabulaanan ni Senator Ronald dela Rosa na kabilang siya sa bubuo ng five-man advisory group ng pambansang pulisya na bubusisi sa isinumteng courtesy resignation ng third-level police officers.

Ayon kay dela Rosa walang kumausap sa kanya ukol dito o kahit imbitasyon ay wala siyang natanggap.

Ngunit pinayuhan ng dating hepe ng pambansang pulisya ang mga tumalima sa apila ni Interior Sec. Benhur Abalos na sumunod at pagtiwalaan ang proseso.

“Everything would be alright,” ani dela Rosa, na kinuha niya sa isang animated film na kanyang pinanood.

Kasabay nito, ibinahagi ng senador na may mga nakarating siyang pag-alma ng ilang matataas na opisyal ng PNP ngunit tumanggi siyang kilalanin ang mga ito sa katuwiran na nasa aktibong serbisyo pa ang mga ito.

TAGS: courtesy, DILG, PNP, resign, courtesy, DILG, PNP, resign

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.