Hirit ni Bantag na mailapat sa Ombudsman ang PI ng murder case, ibinasura
Nabigo si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag sa kanyang hirit na mailipat sa Ombudsman ang kinahaharap na kaso.
Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang motion for reconsideration kayat itutuloy ng mga taga-usig ng kagawaran ang pag-iimbestiga sa kasong murder ni Bantag kaugnay sa pagpatay sa broadcaster na si Percival Mabasa aka Percy Lapid.
Nagtakda naman ng pagdinig sa Pebrero 8 para sa pagsusumite ng mga kinasuhan ng kanilang counter-affidavit.
Ngunit ayon sa kampo ni Bantag pag-aaralan pa nila ang kanilang mga opsyon.
Diin ni Atty. Rocky Balisong, abogado ni Bantag, inirerespeto nila ang disposisyon ng panel of prosecutors kayat umaasa sila na rerespetuhin din ang mga gagawin nilang hakbang na aniya ay ayon pa rin naman sa mga batas.
Ngunit ayon sa DOJ kapag nabigo ang mga kinasuhan ng kanilang counter-affidavits posibleng isumite na nila ang kaso para mabigyan ng resolusyon sa katuwiran na limitado lang ang panahon sa pagsasagawa ng preliminary investigation (PI).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.