Magkakaroon ng impresyon na may itinatago ang Pilipinas kung hindi makikipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) pag-iimbestiga ukol sa ikinasang ‘war on drugs’ ng nagdaang administrasyong-Duterte.
Ito ay ayon kay Sen. Risa Hontiveros at apila naman niya sa kasalukuyang administrasyon na hayaan na ang ICC na isagawa ang nais nilang imbestigasyon.
Pagdidiin pa nito na mas dapat pa nga na pareho ang hangarin ng Department of Justice (DOJ) at ng ICC at ito ay ang bigyang katarungan ang mga naging biktima ng Oplan Tokhang.
Ipinagtataka ni Hontiveros ang pagka-atubili ng gobyerno na makipagtulungan sa ICC.
Kasabay nito ay hinamon ni Hontiveros si Pangulong Marcos Jr., na patunayan ang nais niyang makuha ang respeto ng buong mundo sa pamamagitan ng pagsisimula sa pagharap sa mga isyung may kinalaman sa karapatang pantao.
Kumalas na ang Pilipinas na miyembro ng ICC sa utos ni Duterte dahil sa kagustuhan na rin ng international tribunal na magsagawa ng imbestigasyon sa kampaniya kontra droga sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.