Tourist refund dapat pag-aralan ng husto, ayon sa ilang senador

By Jan Escosio January 31, 2023 - 04:23 PM

Senate PRIB photo
Hindi agad kinagat ng ilang senador ang sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na VAT refund program para sa mga dayuhang turista sa bansa. Sinabi ni Sen. Grace Poe, nararapat na konsultahin muna ang mga eksperto patungkoldito.   Dapat aniyang malaman muna kung paano epektibong maikakasa ang nasabing programa at kung ano ang mga “pros at cons” nito para sa bansa.   Isa pa sa nais ding malaman ni Poe ay kung makakahikayat ba ito ng maraming turista para bumisita at gumastos ng malaki sa bansa at kung mababawi ba ang posibleng mawawalang kita.    Sinabi naman ni Sen. JV Ejercito na kailangang timbangin ang magiging benepisyo rito ng bansa at konsultahin ang mga financial experts sa posibleng epekto nito.    Ipinunto pa ni Ejercito na hindi naman kilalang shopping destination ang Pilipinas kundi mas kilala tayo sa tourism at recreation.    Sa ilalim ng VAT refund para sa mga foreign travelers, ire-refund sa mga ito ang 12% VAT na ipinapataw sa mga produkto at serbisyo na bibilhin ng mga dayuhang turista.

TAGS: grace poe, news, Radyo Inquirer, refund, tourist, grace poe, news, Radyo Inquirer, refund, tourist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.