Mga senador nalinawagan sa mga isyu na bumabalot sa Maharlika Fund bill

By Jan Escosio January 31, 2023 - 02:56 PM

Senate PRIB photo
Kumpiyansa si Senator Mark Villar na nalinawan ang mga kapwa senador ukol sa mga isyu na may kinalaman sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).   Sinabi ito ni Villar matapos ang briefing kagabi sa mga senador ng economic managers ng gobyerno.   Aniya maraming katanungan ang mga senador at ang lahat naman ay nasagot at naipaliwanag ng mga economic managers.   Kabilang sa nalinawan ay ang pagkukuhanan ng panimulang pondo at kung saan mga programa ito gagamitin.   Bukas, araw ng Miyerkules, ang unang pagdinig ng Committee on Banks, na pinamumunuan ni Villar, na siya din naghain ng bersyon sa Senado ng panukala.   “Mahaba rin yung briefing and many senators attended. So very productive and I look forward to hearing the bill,” sabi pa ng senador.

TAGS: Mark Villar, news, Radyo Inquirer, Mark Villar, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.