Sen. Imee Marcos galit na galit sa pananabotahe sa mga produktong-agrikultural

Nagpupuyos na sa galit si Senator Imee Marcos dahil sa napupuna niyang matinding pananabotahe sa mga lokal na produktong-agrikultural.   Bunga ang galit ni Marcos sa sunod-sunod na problema na umuusbong sa sektor ng agrikultura, asukal, sibuyas, bawang at ngayon ay itlog naman.   Diin niya malinaw na may manipulasyon sa suplay ng mga produkto para magkaroon ng kakulangan sa suplay at tumaas ang presyo.   Puna niya, magkatulad lamang halos ang antas ng pangangailangan at suplay kayat ipinagtataka niya kung bakit palaging may sobra-sobrang importasyon.   Kasabay nito, ang kanyang apila na madaliin na ang isinasagawang mga imbestigasyon ukol sa smuggling ng agricultural products para matuldukan na ang mga pagpupuslit.

Read more...