‘Digitalization’ program ng Philippine Ports Authority ipinagpaliban muna ang pagkasa
By Jan Escosio January 31, 2023 - 02:50 PM
Nilinaw ng Philippine Ports Authority (PPA) na wala pang naitakdang petsa ng pagkasa ng Trusted Operator Program-Container Registry and Monitoring System (TOP-CRMS), na ang layon ay maisaayos na ang sistema ukol sa containers.
Sinabi ni Gen. Manager Jay Santiago na kabilang lang ito sa mga ipinapakalat na maling impormasyon na kumakalat ukol sa TOP-CRMS dahil aniya wala pang petsa na napapag-usapan dahiil may mga kailangan pang gawin.
“Kasama po sa hindi tamang impormasyon na ipinapakalat po nila una po tinatakot nila Feb. 1 daw ang implementasyon ng TOP-CRMS tapos sasabihin po nila April 1 na naman. Wala pa po kaming sine-set na fixed date para sa implementasyon sapagkat ito ay dumadaan pa sa proseso ng Anti-Red Tape Red Tape Authority na Regulatory Impact Assessment,” ani Santiago.
Kapag naikasa na ang programa, pagtitiyak ni Santiago, mababawasan ang mga bayarin ng mga stakeholders alinsunod sa nais ni Pangulong Marcos Jr., na bumaba ang halaga ng mga bilihin.
Dagdag pa ni Santiago, may mga tumututol dahil may mawawala o mababawas sa kanilang malaking kita at aniya ito ang nakikita nilang motibo ng mga nagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa TOP-CRMS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.