Subsidy fund para sa housing program, ikinakasa ni Pangulong Marcos

By Chona Yu January 31, 2023 - 02:46 PM

 

Pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibigay ng subsidy fund para sa housing program ng pamahalaan.

Sinabi ng Pangulo na binubusisi na nila ni Housing Secretary Jerry Acuzar ang paglaan ng naturang pondo.

“Bukod pa roon, pinag-aaralan namin ni Secretary Jerry Acuzar ang pagtatayo ng subsidy fund para dito sa ating housing program. At siguro maglalagay tayo diyan siguro mga – ‘pag nakahanap tayo ng pera, mga isang bilyon siguro to start with para mayroon tayong subsidy na maibibigay para sa ating mga magiging tenant,” pahayag ng Pangulo.

Panawagan ng Pangulo sa Kongreso na suportahan ang housing project ng pamahalaan at paglaanan ng sapat na pondo.

“Time and again, in every undertaking, we are reminded of the commitment, the collaboration, and compassion that is needed to be able to truly prioritize the welfare and the interests of our people,” pahayag ng Pangulo.

Dalawang housing projects sa Quezon City at sa Cauayan City, Isabela ang pinangunahan ng Pangulo sa groundbreaking ceremony.

Mga programa ito sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.

Sa Quezon City, dalawang high-rise buildings na mayroong 2,100 units ang ilalaan para sa mga miyembro ng Batasan Tricycle Operators and Driver’s Association.

Laan din ang naturag programa para sa mga informal settlers sa Quezon City.

Ang ground floor ng gusali ay magsisilbing tricycle terminal.

Tiniyak pa ng Pangulo na magkakaroon nga ccess sa palengke, eskwelahan, ospital at iba pa ang mga titira sa bagong pabahay ng pamahalaan.

Target ni Pangulong Marcos na makapagpatayo ng anim na milyong unit ng pabahay sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028.

Pinaalalahanan din ng Pangulo ang mga taga Department of Housing Settlements and Urban Development, local government units at iba pang stakeholders na patuloy na itaguyod ang transparency at katapan sa pagbibigay serbisyo publiko.

Pangarap ng Pangulo na mabigyan ng disenteng pabahay ang mga pamilyang Pilipino.

 

 

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., news, Pabahay, radyo inqurier, Ferdinand Marcos Jr., news, Pabahay, radyo inqurier

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.