1.5 milyon katao nakiisa sa voter’s registration ng Comelec

 

Umabot sa 1.5 milyon ang bagong botante sa bansa.

Ayon kay Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia, kasama sa mga bagong nagprehistro ang mga botante sa Sangguniang Kabataan elections.

Sinabi pa ni Garcia na nasa 2 milyong botante naman ang nagtungo sa COmelec para i-modify ang kanilang registration records, naga-transfer at nagpa-reactivate ng status.

Ayon kay Garcia, wala nang extension ng pagpaparehistro.

Matatapos ang registration mamayang 5:00 ng hapon, Enero 31.

 

Read more...