COVID-19 nanatiling public health emergency – WHO

 

 

Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na nanatiling public health emergency of international concern (PHEIC) ang COVID-19.

Bunga nito pinananatili ni WHO ang ‘highest COVID 19 alert.’

Gayunpaman, ipinunto ang konsiderasyon na maaring nasa ‘transition period,’ na nangangailangan ng maingat na pagtugon para maibsan ang mga epekto.

Nabatid na kumpara sa ibang respiratory infectious diseases, ang COVID-19 para ang nangunguna sa usapin ng bilang ng mga namamatay.

Ibinahagi din ang obserbasyon na mahina ang vaccination rollout sa maraming bansa at may mga lumilitaw pa na bagong variants ng nakakamatay na sakit.

“Health systems are currently struggling with COVID-19 and caring for patients with influenza and respiratory syncytial virus (RSV), health workforce shortages, and fatigued health workers,” diin ni WHO Director General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus sa kanyang ulat.

Mahalaga aniya ang mga bakuna at maagang pagdiskubre sa mga may taglay  ng sakit ngunit maraming bansa ang hindi pa rin sapat ang ginagawang hakbang.

Sinabi pa ni Ghebreyesus na hindi na kasing delikado ang COVID-19 ngayon kumpara noong 2020.

Read more...