Halos 5 sa bawat 10 Filipino ang tiwala na gaganda ang buhay ngayon 2023

By Jan Escosio January 31, 2023 - 09:21 AM

 

May 49 porsiyento ng mga Filipino ang naniniwala na bubuti ang kondisyon ng kanilang pamumuhay ngayon 2023.

Sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey, may limang porsiyento ang nagsabi na lalala pa ang kanilang buhay.

May 37 porsiyento naman ang nagsabi na walang magiging pagbabago, samantalang walong porsiyento ang walang naisagot.

Isinagawa ang survey noong nakaraang Disyembre 10 hanggang 14 at may 1,200 adult respondents.

Dumami ng apat na porsiyento ang mga nagsabing bubuti ang kanilang buhay kumpara sa naitala noong Oktubre.

Ito na rin ang pinakamataas matapos maitala ang +44 ilang buwan bago ang pagtama ng pandemya.

TAGS: news, Radyo Inquirer, survey, SWS, news, Radyo Inquirer, survey, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.