VP Sara inilatag ang mga hamon sa sistemang pang-edukasyon sa bansa

By Jan Escosio January 31, 2023 - 09:15 AM

 

DepEd photo

 

Batid na ng Department of Education (DepEd) ang mga ‘sakit’ sa sistemang pang-edukasyon sa bansa.

Sa ulat ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte sinabi nito na kailangan ng pagbabago sa K-12 program para mas makatugon sa paglipas ng panahon.

Sinabi din niya na higit sa kalahati ng mga paaralan sa bansa ang kailangan ayusin, ang pagsasara ng mga pribadong paaralan at ang pangangailangan sa isang ‘inclusive system.’

Ayon kay Duterte ito ang mga isyu na kinahaharap ng mga estudyante at guro.

Binanggit niya na sa 327.851 paaaralan, 189,324 ang kailangan kumpunuhin at 21.727 ang hindi na ligtas.

May 28.4 milyon ang nag-enroll sa School Year 2022-2023 at may malaking pagbaba sa bilang ng mga pumasok sa mga pribadong paaralan kayat may 1,600 private schools ang nagsara.

May mga katutubong bata at kabataan din ang hindi nakakapag-aral, maging sa mga mahihirap na lugar.

TAGS: education, news, Radyo Inquirer, Sara Duterte, education, news, Radyo Inquirer, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.