Bagong chairman ng Marawi Compensation Board, itinalaga ni Pangulong Marcos
(PCO photo)
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos si Maisara Dandamun-Latiph bilang chairman ng Marawi Compensation Board.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, nanumpa na sa tungkulin si Latiph sa harap nina Executive Secretary Lucas Bersamin at Senador Robinhood Padilla sa Malakanyang.
Itinalaga naman ng Pangulo bilang miyembro ng board sina Dalomabi Lao Bula, Mustapha Dimaampao, Moslemen Macarambon Sr. Nasser Macapado Tabao, Mabandes Sumndad, Jamaica Lamping Dimaporo, Sittie Aliyyah Lomondot Adiong at Romaisa Lomantong Mamutok.
Ang mga nabanggit na opisyal ang mangangasiwa sa pagbibigay ng kompensasyon sa mga biktima ng Marawi siege noong 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.