Voice winner na si Cristina Grimmie binaril patay sa U.S

By Den Macaranas June 11, 2016 - 03:31 PM

Cristina grimmie
pinterest

Dead-on-arrival sa pagamutan dahil sa mga tinamong mga tama ng bala ang singer na si Cristina Grimmie sa Orlando Florida.

Sa inisyal na pahayag ng kanyang publicist, sinasabing binaril ng isang lalaki ang 22-anyos na singer makaraan siyang mag-perform sa concert ng bandang Before You Exit sa Plaza Live sa Orlando.

Makaraan ang pamamaril ay nagbaril din sa sarili at kaagad na namatay ang hindi pa rin nakikilalang suspect.

Si Grimmie ay itinaghal ng 3rd placer sa season 6 ng Voice noong 2014.

Umapela naman ng privacy sa publiko ang mga kaanak ng pinatay na singer.

TAGS: cristina grimmie, orlando, voice, cristina grimmie, orlando, voice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.