BREAKING!!!! Laundry shop malapit sa De La Salle University – Manila sumabog, ilan sugatan

MPD PHOTO

Sumabog ang isang laundry shop malapit sa De La Salle University -Taft sa Maynila ngayon gabi.

Sa inisyal na impormasyon mula kay Malate – MPD Station 9 commander, Lt. Col. Salvador Tangdol, alas-7:20 nang maganap ang pagsabog sa 360 Wash Laundry Shop, Mac Torre Residence sa F. Reyes St., Malate.

Nagkaroon diumano ng gas leak at nagresulta sa pagsabog na nagdulot ng sunog.

Sa pagresponde ng 1o fire trucks naapula ang sunog makalipas ang limang minuto.

Napasugod din sa lugar si Manila Police District director, Brig. Gen. Andre Dizon.

Bineberipika pa kung may nasawi at nasugatan.

May mga ulat na maraming estudyante sa paligid nang maganap ang insidente.

 

 

 

Read more...