Dagdag P1.30/L sa gasolina, P1/L sa diesel bukas

Muling madadagddagan ang  presyo ng mga produktong-petrolyo simula bukas.

Inanunsiyo ng Seaoil< Shell  at Cleanfuel ang pagtaas ng P1 sa bawat litro ng kanilang diesel, samantalang P1.30 naman sa gasolina.

Mas mataas na P1.35 naman ang sa halaga ng kada litro ng kerosene ng Seaoil, gayundin ang Shell.

Epektibo ala-6 ng umaga ang price hike ng Seaoil at Shell, samantalang alas-4 pa ng hapon sa Cleanfuel.

Inaasahan na mag-aanunisyo din ng dagdag–presyo ang iba pang kompaniya ng langis.

Sa unang buwan ng bagong taon, ayon sa Department of Energy (DOE), P2.80 na ang itinaas ng kada litro ng gasolina, P2.25 sa diesel at P2.40 sa kerosene.

 

 

Read more...