TESDA target na makapagsanay ng 1.8M Filipino ngayon 2023

TESDA PHOTO

Balak ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)  na makapagsanay sa ibat-ibang vocational courses ng 1.8 milyong Filipino ngayon taon.

Ito ang ibinahagi ni Director Gen. Danilo Cruz at aniya hangad nila na taasan pa ang bilang ng kanilang enrolled, graduated, assessed at certified TVET scholars.

Aniya noong nakaraang taon, umabot sa 1,261,244 ang nag-enroll sa kanilang tech-voc courses at sa bilang, 1,231,289 ang nakapagtapos at 844,368 sa kanila ang nasertipikahan na ‘skilled workers.’

Samantala, base sa mga paunang resulta ng 2022 Study on the Employment of TVET Graduates (SETG), walo sa bawat 10 TVET graduates ang nakapasok sa trabaho.

Sinabi pa ni Cruz ang 84.72% employment rate ay bunga nang pagbubukas ng ekonomiya.

“Sa area-based and demand-driven TVET, pinag-aaralan at tinutugunan namin  ang mga pangangailangan ng industriya sa buong kapuluan,” sabi ng opisyal.

Read more...